Phone: (62) 688 8742 / 687-5561 Email: admin@josephfeeding.org

OUR STORY

Page 2


ABOUT JFM


 



Write the vision And make it plain on tablets, That he may run who reads it.  For the vision is yet for an appointed time; But at the end it will speak, and it will not lie. Though it tarries, wait for it; Because it will surely come, It will not tarry.
(Habbakuk 2:2-3)
The Church Announcement

November 8  nung nagdecide akong bigyan ng honor ang Panginoon, kaya nagpakain din kami doon sa may  'Talahiban', pinagkaloob sa'kin ng Panginoon ang pangalawa sa pinaka-greatest revelation na natanggap ko mula sa Panginoon. Yung una.... ay ang Amazing Grace of God, at ang pangalawa ay ang mga sumusunod  na ilalahad ko sa inyo na kaugnay   kayo. Ang sabi ng Panginoon sa'kin, ang dalawang feeding sa lugar (Creekside, Talahiban) na nabanggit ko ay ang 'Hudyat' mula sa langit  na  ipinanganak na ang 'Vision' na ibinigay Niya sa'kin nuong 1997! Kaya, nuong nag-feeding kami sa dalawang lugar na napaka-significant sa aming church at ganuon din sa pamilya ng aking kapatid,  ipinatawag sa'kin ng Panginoon ang day na iyon (Dec.4, 2010)  na "The Launching of our Joseph the Dreamer Vision "... Hallelujah !!! Kaya rin, nung Dec.19, 2010,  nung nag-bigay ako ng Year-end Report sa aming church, ang pinaka-highlight ay ang pina-announce ng Panginoon na after 13 years...

December 4, 2011 - After 13 Years, ipinanganak na ang "Vision" ng aming church, na in the last days, katulad ni Joseph the Dreamer, gagamitin kami ng Lord para magpakain ng magpakain sa panahon ng taggutom.

You see, mayroon ding masamang ginawa ang kaaway sa amin, pero ang masamang ito ay binaligtad at ginawang  maganda ng Panginoon para mapakain at madugtungan ang buhay ng mga nagugutom. Ito ang sinabi ni Joseph sa kanyang mga kapatid na nagtakwil at nagtangkang pumatay sa kanya. Nung nakaharap nila si Joseph, sila ay nag-patirapa sa takot. Pero ang sagot niya sa Genesis 50:20.

"Masama nga ang  inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami...."

  Ang totoo, ang sinabi na ito ni Joseph ay bagay na bagay sa aming church. Hindi lang dahil sa inallow ng Panginoon yung nangyari sa aking kapatid kundi, ang amin ding church ay dumaan din sa maraming pagsubok tulad ni Joseph.

Tulad niya, dahil sa paninindigan sa napakalalim naming pag-ibig at pananampalataya sa Panginoon, naranasan din  namin ang rejection, persecution, abandonment, false  accusation, betrayal, extreme pain and loneliness.

Pero, katulad ni Joseph, hindi kami humiwalay sa Diyos. Kaya kailanman hindi rin namin naramdaman na kami ay iniwan o pinabayaan ng Panginoon. And only by His grace, ang puso namin ay lalo pang umaapoy sa pag-ibig sa Kanya, at sa calling and vision na iniregalo Niya. Gaano man kalakas at kadilim na bagyo ang ilang ulit na inihampas ng  kaaway sa'min,  mas lalo namang lumiwanag ang nakikita ng Panginoon sa amin. Sapagkat sa gitna ng anumang bagyo, mas lalo pa naming minamahal at tinataguyod  ang calling at ang vision na ibinigay Niya. Mas lalo pa naming sinasariwa ang aming heritage, ang pinaka root at  foundation ng very anointed ministry namin.

Kaya naman naniniwala kami na dumating na ang panibagong  level nang kahinugan ng lahat ng mga bagay na minatyagan ng mapanuring mata ng Panginoon ng  mahabang  panahon.

Ang  panibagong antas na ito ay ibinubukas Niya sa inyo ngayon upang maging kaparte kayo ng aming mga aanihin. Tandaan po ninyo ito:

" Every good deed we do, every seed we sow, will produce a harvest." Galatians 6:7-9
"For the gifts and the calling of God are irrevocable." Romans 11:29







Everytime na mayroong gustong ipagawa ang Panginoon, lagi Siyang may special way para i-assure o i-confirm ang mga ito. Ano nga ba ang mga confirmations na ang vision na ito ay gusto na ipatupad ng Panginoon without delay?

Confirmation # 1: The Eagle

Last Dec.19, 2010, Christmas Celebration ng aming church,  ininstruct ng Lord na i-declare ko na sa'ming congregation na ipinanganak na ang aming vision. Papasok pa lang ako sa dressing room, may nag-abot na sa akin ng regalo. Itong regalo na ito ang una kong binuksan  after the  service.  Hindi ko pa  ito nabubuksan, kumalat na ang bango ng inispray o pinang-anoint na pabango dito. Pagbukas ko nito, kinilabutan ako! Ang regalo ay isang mabigat na glass figurine ng isang "Eagle" na nakataas na ang dalawang wings. Kinilabutan ako kasi, kade-declare ko palang sa church service namin na ipinanganak na ang vision namin na ipinakita  sa'kin ng Panginoon nung 1997.

Napaka-significant ng Eagle kase, picture ng Eagle ang ginamit namin sa bulletin board namin many years ago na nagsi-symbolize ng vision namin.

That time, naniniwala kasi kami na kahit sa aming kaliitan, makakalipad kami like an Eagle. Naniniwala kami na  marami kaming mararating, maaabot, matutulungan gawa ng vision na ibinigay ng Panginoon . Kaya madalas naming   kantahin  noon ang I BELIEVE I CAN FLY at When You Believe, na nire-revive namin ngayon. Lalo akong na-encourage nung nalaman ko na matagal na palang pinapabigay sa'kin ng Panginoon yung glass Eagle pero, nag-dadalawang isip pa yung nagregalo. You see, pina-delay pa ng Panginoon yung pagbibigay sa'kin para tumama ang timing nito sa exact day mismo ng pag-a-announce ko na IPINANGANAK  na ang aming vision! Kaya yung design ng wings ng Eagle ay naka-bukas, nakataas na; which means -  alert, active, alive !  Ready to take off !

Nung tinitigan ko ang mga paa (claws) nung glass eagle, nagulat ako kasi mayroon itong hawak na fish. To me this is very symbolic.  Sa Bible, hinahalintulad ang mga Believers sa eagle. Ang mga disciples, tinatawag ni Jesus na fishers of men . (Matt.4:19) Naniniwala ako nagagamitin ng Panginoon ang vision na ito - ang pagpapakain ng walang humpay for 7 years tulad ng ginawa ni Joseph; para marami ang makatikim ng pag-ibig ni Jesus at eventually marami rin ang maligtas ang kaluluwa.  

Confirmation # 2: The Gift

Ang sumunod na regalo na binuksan ko ay dalawang CD  na magkasama. Na-amaze ako kase ang title ng unang CD na tiningnan ko ay "Giving Your Dreams A New Beginning" by Joel Osteen.  Hindi ba exacto ito sa kade-declare ko pa lang tungkol sa Vision namin katulad ni Joseph the Dreamer?

 

Yung title na "Giving Your Dreams A New Beginning" ay timing na timing kase 1997 pa yung vision na parang binuhay lang muli after 13 years. Wow! Parang ang feeling ko sinasabi ng lahat ng angels na naka-assign sa'kin na "Tama! Tama ang dineclare mo! Pagkatapos ng 13 years, ngayong taon na ito - December,  2010, ... ipinanganak na ang inyong Vision na kayo ay magiging Joseph the Dreamer ngayong mga Huling Araw! " Praise God!  

Confirmation # 3:  2011 - A Very Special Year

Nung nagpe-prepare na ako ng  message ko para sa kauna-unahan kong conference "You Can Begin Again" last Jan. 15, ngayong taon na ito-2011; naalala ko na first month ito ng year. Kaya humingi ako ng special Word sa Panginoon. Seryoso ko pong tinanong sa Kanya kung ano ang gusto Niyang ipakita sa'kin sa Bible about the number 11, since year  2011 tayo ngayon. Gusto ko lang linawin na ang hinihingi  kong partikular ay special Word for this year, 2011; hindi   po yung tungkol sa vision ko na ka-a-announce ko palang. Marami  Siyang ipinakita pero, ang pinaka-distinct  na talagang nanlaki ang aking mga mata at parang panandalian  kong napigil ang aking hininga ay nung pinabasa Niya sa'kin yung nasa GENESIS 32: 22. Sobra akong na-surprise kase malayo yung ine-expect ko sa ipinakita  Niya. This is the first time eleven is mentioned in the Bible. Tungkol  ito sa pakikipagkita at pakikipagkasundo ni Jacob sa kanyang kapatid na si Esau na kanyang nilinlang dati.

"And  he  rose  that  night  and  took  his  two wives,  his  two  female  servants,  and  his  eleven sons, and  crossed  over  the  ford  of  Jabbok. " GENESIS  32: 22

Ang totoo, hindi ko kabisado ang lahat ng anak ni Jacob. Hindi ko rin kabisado ang pagkakasunod-sunod nila. Nung  na-curious ako, tiningnan ko kung sino ang ika- 11th son ni Jacob. Alam po ba ninyo kung sino? Si JOSEPH !!!  Yes!  Si JOSEPH THE DREAMER  !!!

Joseph the Dreamer  is Jacob's 11th son

Nakakamangha ito para sa'kin kase alam na alam ko na walang-wala sa isip ko si Joseph at ang vision ko nung nagtanong ako sa Panginoon. Pero, dahil sa I believe isa itong matinding pangungusap ng Panginoon sa vision na ipinagkatiwala Niya; parang ayaw Niya akong patakasin dito. Napakalaki nitong surprise at encouragement sa akin! Isa lang ang kumikislap na liwanag dito. Napakalakas ang pag-ihip ng trumpeta sa langit tungkol sa parang palaging  sinisingit ng Panginoon; ang tungkol kay Joseph. Ang tungkol sa Vision na gusto Niyang ipatupad ng mabilis starting  this YEAR 2011  hanggang 2018, o hanggang rapture day . Ito po yung pinaparamdam Niya sa'kin in the spirit. Ang pagpapatupad nito ay very urgent sapagkat  very critical ang year na ito onward. Maraming  mabibilis, ... malalaking  changes ang  mangyayari . Pina-realize sa'kin ng  Panginoon na hindi ipapanganak ang vision kung hindi naka-amba ang matinding taggutom. Ang birthing ng vision na ito ay isang malaking SIGN na parating na ang severe famine tulad ng nangyari nung panahon ni Joseph. Ginagamit lang ng Panginoon ang aming ministry para ito i-trumpeta upang tayong lahat na  magkakaisa sa pagpapatupad nito ay maingatan din at hindi magutom tulad nila Joseph noon.

Confirmation #4:  The Age of our Church -13 Years

Bukod pa rito nagulat ako one morning nung nakita ko yung Bible ko naka-open sa  Genesis 41:46. Sinasabi rito na si Joseph ay 30 years old nung nagsimula siyang maglingkod kay Pharaoh bilang tagapamahala ng buong Egypt. Pagkabasa ko nito, lumakas ang tibok ng puso ko kase alam ko mayroong gustong ipahayag sa'kin ang Panginoon. Pinabalik ako ng Holy Spirit sa Genesis 37. Nung nabasa ko yung verse 2 and the whole chapter, lalung lumakas ang tibok ng puso ko. Kase sa verses 2-5 sinabing si Joseph ay 17 years old nung binigyan siya ng dream ng Panginoon.

NOW, anong significance nitong 30 years and 17  years? Ang ipinakita sa'kin ng Panginoon ay ang agwat ng taon mula 17 hanggang 30 ay  13 years. Very significant ang 13 years  sa'min sapagkat nung dineclare ko na ipinanganak na ang vision namin, ang church namin ay nasa ika-13th year din.

Ang ipinakita sa'kin ng Panginoon ay ang agwat ng taon mula 17 hanggang 30 ay 13 years. Very significant ang 13 years sa'min sapagkat nung dineclare ko na ipinanganak na ang vision namin, ang church namin ay nasa ika-13th year din.

Mula 1997,  nung ibinigay sa'kin ng Panginoon ang Vision (EndTime Joseph the Dreamer), hanggang 2010 nung  pina-declare Niya ito - the birthing of our Vision, ang difference ay 13 years din.

So, parang sinasabi ng Panginoon na kung si Joseph ay nag-start magtanim ng magtanim sa kanyang ika-13th year mula nung natanggap niya ang dream niya nung siya ay 17 yrs. old pa lang hanggang gawin siyang tagapamahala ng buong Egypt nung 30 years  old na siya,  ganuon din kami.

Parang for 13 years, yung Vision namin ay nasa isang womb lang, pero last year ipina-trumpeta ng Panginoon na ipinanganak na ito!

Naniniwala ako na lalo lang nililiwanag ng Panginoon sa'kin dito na dapat akong ma-convince na talagang tama ang  narinig ko sa Kanya. Tama ang timing ng pag-aannounce ko about the birthing of our vision.
Bakit ako naniniwala?

  • Kase, tanging Siya lamang ang  puwedeng magtapat -tapat ng mga ganitong klaseng pangyayari. Hindi po ako  ganuon katalino para gawin ito.
  • Siya lang ang puwedeng mag-arrange ng time, ng day, ng year. Siya lang ang may hawak nito.
  • Tanging Siya lamang ang palaging precise kung kumilos at magpatupad ng mga gusto Niyang maipatupad sa exactong oras na Siya rin ang nag-tatakda.
  • Tanging Siya lang din ang naghahayag, nagbibigay ng vision, ng dream ... na ang purpose ay palaging para sa  ikabubuti at ikaliligtas ng maraming tao.

To be honest, ang katotohanang ito ang talagang nagpapainit lang sa puso ko para tuparin ang plano Niya hindi lang  para sa'kin kundi para sa mga taong gusto Niyang maingatan at mailigtas lalo na sa matinding pagsubok na parating  na sa buong mundo. (Matt. 24)




God's Good Plan for All of us

Habang inaalala ko ang bawat confirmation tungkol sa Birthing of our Vision, pinaramdam sa'kin ng Holy Spirit na dalawa ang pakay dito ng Panginoon.

First, para hindi ako mag- doubt na ako mismo ang unang-una na ine-encourage ng Lord. Why? Kase alam Niya na masyado akong ma-o-overwhelm sa laki at sa bigat ng responsibility and accountability na aking haharapin para matupad ang vision na ibinigay Niya. Alam Niya na makakapagpalakas sa'kin ang masiguro ko na kasama ko Siya. Kaya, pinamamalas Niya sa'kin ang maraming confirmations, tulad ng  pag-a-arrange ng lahat ng bagay, ng mga araw, ng taon,  ng timing, na tumutugma  sa mga dine-declare ko. Ito ay pruweba na Siya lang talaga ang may kayang gumawa nito.

Second, alam ng Panginoon na kailangan din ninyo ang mga confirmations and proofs na ito para maniwala din kayo,  na gusto Niya na makasama namin kayo at maging "PARTAKERS"  din kayo dito sa pagpapatupad ng God-given  Vision na ito.

Gusto Niya na maging isa rin kayong "Joseph" sa mga Huling Araw na ito. Gusto Niya na sa darating na severe famine, kayo at ang pamilya ninyo ay hindi magugutom; bagkus kayo pa ang magbibigay.
  • Gusto Niya na maging isa rin kayong "Joseph"  sa mga Huling Araw na ito.
  • Gusto Niya na sa darating  na severe famine,  kayo at ang pamilya ninyo ay hindi magugutom; bagkus kayo pa ang magbibigay.
  • Gusto Niya katulad ni Joseph, sa araw ng taggutom kayo ang pupuntahan, ang dadayuhin,  sapagkat kayo ang meron. Meron kayo kase kayo yung matalinong nag-ipon ng nag-ipon sa kaharian ng Diyos. Itinanim ninyo ang gusto ninyong anihin.

Kayo ang naniwala sa  babala, ...  sa  paalala, ni Jesus mismo; na magkakaroon ng taggutom.

Kayo yung hindi natakot mawalan sa tingin ng maraming tao.

Kayo yung faithful na nagtanim ng nagtanim ng walang humpay for 7 years tulad ni Joseph .

Kayo ang nagpahalaga sa Salita....

"... ang  Diyos  ay hindi  madadaya  ninuman.  Kung  ano  ang  inihasik  ng  tao,  iyon din  ang  kanyang  aanihin."

Galacia  6 : 7

Jesus  said, " ... Come, you blessed of  My Father, inherit the kingdom prepared for you from the foundation of  the world: for I was hungry and you gave me food; I was thirsty and  you gave  Me drink; I was a stranger and you took me in;  ..."

Matt.25:34-35


God Calling

Ito po ang paulit-ulit na naririnig ko sa Panginoon na nagsisilbing parang apoy sa aking mga buto; kaya po ako naririto. Kaya matiyaga ko itong nilalahad sa inyo.

Ang sabi Niya, .....

"Kailangan kayong magmadali! Huwag ng mag-aksaya ng panahon! Maghasik ng maghasik ng  Salita,  magpakain ng magpakain, sapagkat papalapit na ng papalapit ang  matinding taggutom, ang  matinding  pagsubok na darating  sa buong mundo."

Sobrang liwanag ang narinig ko sa Panginoon.  "No  delay !" Year  2011-2018  is very critical. Kailangan po tayong makapagtanim (feeding) ng makapagtanim kaagad hanggang may panahon pa na mayroon pa tayong ma-itatanim.

Very urgent ito sapagkat sabi nga Niya papalapit na ng papalapit ang matinding taggutom, ... tagtuyo. Tagtuyo sa  kabuhayan, tagtuyo sa makakain, tagtuyo sa opportunity para may maibili ng pagkain.



Join The Vision

With all the proofs and confirmations na ipinamalas ng Panginoon, wala akong kaduda-duda na ang "Joseph Feeding Mission" ay kinasihan Niya para gawin ang napakalaking role na gagampanan para ang buong bansa natin-Luzon, Visayas and Mindanao ay maabot natin.

Kami sa aming Church ay talagang naghahanda.  Ang totoo, ako po mismo ay kasama sa pumirma at nag-pledge na every month (at hanggang mag-pprovide ang Panginoon) magsu-support din ako financially. Inin-courage ko rin ang lahat ng aking mga anak na pumirma rin para mag-support din every month. Sinabi ko sa kanila na alam ko ang narinig ko sa Panginoon. PinakitaNiya rin sa'kin kung anu-ano ang nangyayari  sa mundo. Ang anyo nito ay parang isang matanda na pa-ugod-ugod na pero nilalapastangan pa.

Ang totoo hindi ko alam ang lahat ng detalye na mangyayari between 2011-2018, pero pinaparamdam sa'kin ng  Panginoon na maraming critical, na mangyayari sa period na ito. Ang sisiguraduhin ko po sa inyo - ang mundo ay  lalung gugulo, ... lalung magiging mapanganib, lalung masisira, ... lalung maghihirap.

Ayaw ko mang sabihin ito sapagkat buhay na buhay sa'kin ngayon ang GRACE of GOD,  pero, ito po talaga ang mangyayari.  Kaya nga nagtatawag na Siya ng mga tao na pagsasama-samahin Niya upang yung vision na ibinigay Niya ay matupad ng walang delay. Sapagkat ang magpapatupad nito ang siya ring unang makikinabang dito. Katulad ng nangyari kay Joseph, ang lahat ng nakiisa sa kanyang magtanim for 7 years ay hindi nagutom.

Ganito po mismo, ang gustong gawin ng Panginoon sa'tin, kaya binigyan Niya ako ng Vision; na noon ang nakita ko pa lang ay ang mangyayari sa future. Pero yung future na iyon noon, ay naa-unfold na ngayon.



The Calling

For the past how many years, every January, humihingi ako ng 'Special Word' sa Panginoon para sa lahat ng makakarinig nito. Ang Word na hinihingi ko ay yung mga bagay na alam kong kailangang-kailangan  nating malaman at mga bagay na maaasahan nating mangyayari sa mundo na aapekto sa ating buhay.

Importante ito para tayo ay ma- motivate para maghanda.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon sapagkat, yung mga na- declare ko naman before ay pinatunayan Niya na ito ay nanggaling talaga sa Kanya. Nagkakatotoo ang mga ito sapagkat lahat ng mga ito ay nakatugma sa Kanyang Salita.

Alam ko ang napakalaking responsibility and accountability sa paghahayag ng palagi kong binabanggit na ...  "Sinabi ng Panginoon ...." Kaya hindi po ako magkakalakas ng loob  na banggitin ito kung hindi ako sigurado sa puso ko na ito talaga ang inilagay ng Panginoon. Kase, kung hindi ako sigurado, ako rin ang mapapahiya.

Kaya the more na 'bold' ang manner ng aking pagde-declare, the more ito nangangahulugang siguradong-sigurado ako na ito ay bina-back-up ng Salita ng Diyos.

Kaya boldly, gusto ko pong ipaalam sa lahat na ang mga susunod kong ipapahayag ay pinaniniwalaan kong very Timely and very Urgent Word from the Lord na hindi puwedeng baliwalain ninuman.  Sigurado ako na ito ay aapekto sa inyong buhay at sa ating bansa.

Katulad ng naibahagi ko na kanina,  pinasasabi ng Panginoon na ang mundo ay papalapit na ng papalapit sa klase ng taggutom na inihayag ni Jesus sa Matthew 24:7, at sa matinding paghihirap na binanggit sa Rev.6:6.

Dahil dito, ang lahat ng kino-connect ng Panginoon (sa numang paraan) sa amin; bilang isang ministry, ay tinatawag Niya para makapaghanda at makabalikat namin sa pagpapatupad ng vision na ipinagkatiwala Niya.

Naniniwala po ako with all my heart na ang aming Ministry ay inanoint (anointed) ng Panginoon simula pa nung 1997 (nung ibinigay Niya ang vision sa'kin ) para manguna sa ating bansa para maipatupad ang 7 years na pagpapakain sa mga nagugutom.

Alam ko po, na ...

We have the calling, ... we have the vision, ... we have the heart, and the passion to do what needs to be done; especially for such a time as this.

What You Sow, You Will Also Reap

Inassure ako ng Panginoon na lahat ng makikiisa at magsusuporta sa Vision na ito (for  seven  years ) ay hindi  magugutom sa araw ng matinding taggutom. Hindi lang kayo sa hindi magugutom;  kundi,  katulad din ni Joseph, kahit   nauubusan na ang lahat ng nakapaligid sa inyo, kayo ay hindi mawawalan. Kayo ang magsa- SHINE, kase kayo ang meron.

Kung makikiisa po kayo sa vision namin ng pagtatanim, sa pamamagitan ng pagpapakain ... for seven years na sini-symbolized ng 7 years din na pagtatanim ni Joseph,  then, ...makakasiguro kayo na sa oras ng matinding taggutom, ang lahat ng itinanim ninyo ay bubunga at magsasalita. Magsasalita ito...

"Do not be deceived, God is not mocked; for whatever a man sows, that he will also reap."
Galatians 6: 7
Jesus said ,"Give and it will be given to you; good measure, pressed down, shaken together, and running over will be put into your bosom. For with the same measure that you use, it will be measured back to you."
Luke 6:38


BackNext Page

 

 

button-whoisjoseph-gr

button-missionandvision

button-whatwedo

button-whoweare

button-statement

button-history

CMDi | Joseph Feeding Mission Outreach Foundation Inc. | 2017 All Rights Reserved.