Phone: (62) 688 8742 / 687-5561 Email: admin@josephfeeding.org

OUR STORY

Page 3


ABOUT JFM


 





Nung tinatanong ko ang Panginoon kung bakit Niya pinadidiinan ang 7 years na walang humpay na pagtatanim o pagpapakain, ito po ang ipinaliwanag Niya. Alam Niya na kapag narinig daw natin ang 7 years, ito ang mga puwedeng pumasok sa isip natin ...


"Bakit 7 years? Parang ang haba naman"

"Nakakatakot mag-commit ng 7 years; ayokong makompromiso."

"Paano kung hindi ko kayang mag-support ng 7 years ?"

"Paano kung biglang nag-rapture ng wala pang 7 years ?"

God is after your heart, not your money

Ang unang maliwanag na sagot ng Panginoon ay ito. First, ginamit Niya ang 7 years kase alam Niya na mukha talaga itong matagal sa paningin natin. Sinadya Niya itong maging mahaba, to convey His message clearly na Siya ay after talaga sa committment ng heart natin, para matupad ang gusto Niyang ipatupad na tayo rin naman ang makikinabang later on.

Hindi daw ang kakayanan natin ang hinahanap Niya, kundi ang puso natin. Ang commitment ng puso natin ang mahalaga sa Kanya hindi yung length o duration ng pagsu-support natin.

Ang commitment ng puso natin ang mahalaga sa Kanya hindi yung length o duration ng pagsu-support natin.

Kaya kung sa paniniwala ninyo na maganda ang cause o layunin ng ginagawa natin at alam ninyo na gustong-gusto ito ng Diyos; ipagpatuloy lang natin ito ng ipagpatuloy, pagpursigihan lang natin ito ng pagpursigihang lumago. Wag tayong paurong-sulong. Huwag natin itong i-gi-give up. Huwag tayong magsasawa, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay siguradong aani in due time. (Gal.6:9)

Panahon na daw para matukalasan natin na sa pagpapakita natin ng ating commitment, makita rin natin ang katatagan at bisa ng Salita Niya; upang matikman natin ang 'di pa natin natitikman na ipinangako Niya. Ang committment ay ma-te-test ang katatagan sa mahabang panahon.

Niliwanag Niya na kapag pasulpot-sulpot lang ang pagtatanim natin, natural lang na pasulpot- sulpot lang din ang aanihin natin. (Ex. Gal. 6:7-9 ; Luke 6:38)

Isa pa, pinapahiwatig sa 2 Cor. 9:10 na ang binibigyan ng Diyos ng punlang pantanim ay yung nagtatanim; hindi yung kain lang ng kain.

Kaya kapag nakipagkasundo tayo o nag-commit tayo sa Diyos na magtatanim tayo ng 7 years, o hanggang dumating Siya, committed din ang Panginoon na magsu-supply Siya ng pantanim sa'tin. Why ?

Yung mga sowers lang ang sinusuplayan Niya ng seed. Kapag steady "Sower" ka, steady "Supplier" Siya. Hinabaan Niya ang time frame para ma-stretch ang inyong pananampalataya sa Salita Niya.

Panahon na daw para matutunan natin na ang pagtatanim sa inanoint Niyang gawain ay hindi paurong-sulong; para matikman na natin ang optimum and steady harvest na gusto natin.

Ang totoo dito sa panahon ng stretching of faith tayo dapat maging excited lahat. Why? Kase dito tayo makaka-experience ng 'di pangkaraniwan o mga supernatural na bagay. (Hebrews 11:6 ; 2 Cor. 9:6-15)

Joseph planted for 7 years

Remember ang Vision na ibinigay ng Panginoon ay ang katulad ng kay Joseph. Kaya, ang pinaka-pattern na pinapasundan Niya ay kahalintulad din ng ginawa ni Joseph.

Kung si Joseph ay pinagtanim ng pinagtanim ng Panginoon for 7 years. Tayo rin na magkakaisa at magsu-support dito sa "Joseph Feeding Mission" ay pinagtatanim ng Panginoon by faith for 7 years kase, may parating nga na matinding taggutom.

Ang pagtatanim ay gagawin natin sa pamamagitan ng pagpapakain ng pagpapakain sa mga nagugutom ngayon sa ating bansa.

Ang pagtatanim ay gagawin natin sa pamamagitan ng pagpapakain ng pagpapakain sa mga nagugutom ngayon sa ating bansa. Kung ayaw po natin magutom, ngayon palang magtatanim na tayo ng pagkain. Sabi sa Salita - kung ano ang tinanim natin iyon din ang aanihin natin.


The Benefits of Joseph's Commitment

Ipinakita po ng Panginoon sa'kin yung purpose ng 7 years na pag-iipon ni Joseph. Ang sabi Niya, kung huminto daw si Joseph ng pagtatanim, after 1 or 2 years or 5 years, ang maiipon lang nila ay kaunti lang kumpara sa 7 years na tuloy-tuloy na pagtatanim.

Kung huminto kaagad sila ng pagtatanim, ang maiipon lang nila ay kasya lang para sa taga- Egypt. Pero dahil sinunod nila yung exactong 7 years na instruction ng Diyos, nakaipon sila ng sobra-sobra.

Itong sobra-sobrang ito ang naging "Big News" na kumalat sa mga karatig bansa kaya nabalitaan ito ng pamilya ni Joseph na nasa Canaan.

Gawa ng commitment ni Joseph, gawa ng sobra-sobrang naipon, nagkaroon ang pamilya niya ng hindi lang reunion kundi reconciliation.

Gawa ng committment ni Joseph, gawa ng sobra-sobrang naipon, nagkaroon ang pamilya niya ng hindi lang reunion kundi reconciliation.

Ang totoo, hindi lang pala reunion at reconciliation, kundi great favor, joy and abundant blessing ang na-receive ng buong angkan nila. Ang amazing, nangyari ito noon; sa gitna ng severe famine worldwide. (Read Gen.45 para ma-inspire kayo)

Ganito rin ang minimithi ng Panginoon sa ating lahat na Partakers ng "Joseph Feeding Mission" sapagkat ang tinutupad natin ay ang vision na mismo ang Diyos ang very obvious na nag-anoint. This is for the saving of many lives.( Gen.45:5-7)

Hebrew Meaning of the Number 7

Sa aking pag-aaral, na-discover ko na ang isa pang meaning ng No.7 sa Hebrew "s h a v a g h" is .....

1. To swear, or make an oath.2. Satisfaction or fullness in an oath.

3. Fullness of the obligation, or completeness of the bond.

Hindi ba kapag sinabing oath, parang gumagawa ka ng commitment? Nagsu- swear ka na tutuparin mo yung sinumpaan mo? Kaya tama po ang revelation na ibinigay sa'kin ng Panginoon na ang ibig Niyang sabihin sa 7 years ay "commitment." Praise God!

Sa simpleng salita ang No. 7 ay katumbas o hinahalintulad sa isang oath o pagsumpa (like a commitment or a covenant) sa isang pangako na gustong matupad ng dalawang panig na sumumpa. (Ex. Gen. 21:28-31)





 

 

button-whoisjoseph-gr

button-missionandvision

button-whatwedo

button-whoweare

button-statement

button-history

CMDi | Joseph Feeding Mission Outreach Foundation Inc. | 2017 All Rights Reserved.