Phone: (62) 688 8742 / 687-5561 Email: admin@josephfeeding.org

OUR STORY

Page 1


ABOUT JFM


 

by Ptr. Emerita Barqueros  


Ang  inyong  mababasa  ay  seryosong kapahayagan na natanggap ko mula sa Panginoon na sigurado akong  aapekto sa inyong buhay lalo na sa mga Huling Araw na ito bago bumalik muli ang Panginoon Jesus. Minumungkahi ko po na basahin at intindihin ninyong mabuti ang bawat detalye ng aking ipapahayag upang makita  ninyo ng maliwanag kung paano inarrange ng Panginoon ang bawat pangyayari;  upang  matunton ninyo hanggang sa dulo ang tunay na purpose Niya sa ating lahat.

 

An Urgent Message : Why We Need to Feed

Sa mga conferences na nagawa ko na, napakarami ko ng naipahayag tungkol sa mga Biblical prophecies na natupad na ngayon at patuloy na natutupad. Meron din akong mga documentaries and teaching CD's about the Endtime. Pero, mayroon akong na-receive last December 4, 2010 na napaka-URGENT na mensahe mula sa Panginoon na tatagos sa magiging kalagayan ninyo, pamilya ninyo at ng ating bansa ngayong Endtime.




 

A Reality We Have To Face

Sa dinami-dami ng nai-share ko ng mga prophecies, ang pinadidiinan ngayon ng Panginoon Jesus ay yung isa sa mga signs bago Siya dumating . Ito ay ang pagkakaroon ng taggutom.

" And there will be famines, pestilences, and earthquakes in various places."

Matthew 24 :7b

Sinabi mismo dito ni Jesus, magkakaroon ng famines, pestilences, earthquakes, sa iba't -ibang lugar at bansa. Nuong tinanong ko Siya kung bakit ang dami kong puwedeng i-share na mga Signs, pero famine ang pinadidiinan Niya, ito ang ipinaunawa Niya sa akin.... Anuman daw na hindi maganda na nangyayari sa mundo, manmade o natural disasters man ang pinanggalingan nito, ang magiging resulta lahat nito ay famine, then pestilences, then death.  

Factors that contribute to famine (Bakit Hindi ito Maiiwasan)

Bukod sa marami ng agricultural lands ang kino-convert sa mga malls, resorts, factories, subdivisions, villages, etc. ... marami na rin ang nasisirang sakahan gawa ng iba't- ibang kalamidad. Isama niyo pa rito ang kawalan na ng interest sa pagsasaka ng ating bagong generasyon. Ang sugar cane at butil na kinakain natin tulad ng corn ay ginagawang gasolina. Lahat ito ay mga factors na makaka-contribute sa kakulangan ng makakain.

Pinalawak pa ng Panginoon ang aking natatanaw. Ang sabi Niya,

1. Kapag nagka-giyera, magkakaroon famine, ng deaths, ng pestilences. (Matt. 24:6 -7)

2.Kapag nagkaroon ng sabay-sabay na earthquakes, raging storms, flooding, and other natural disasters, magkakaroon din ng famine, deaths, pestilences.

3. Kapag bumagsak ang ekonomya magkakaroon din ng famine, unemployment, rising food prices, increased crime rate, increased deaths, chaos, uproar against governments, instability, widespread wars.

DITO NAKAHARAP ANG BUONG MUNDO NGAYON. Ang totoo, ang pain, ang birth pangs nito ay nararamdaman na ngayon. Hindi na ito hihinto hanggang ma-establish ang New Heaven and New Earth ( Rev.21:1). Pinapakita rin sa'kin ng Panginoon na very critical ang year 2011 hanggang year 2018 .

God Wants His People To Prepare

1. Ang lahat ay pinaghahanda ng Panginoon upang ang sinuman ay hindi na mapalayo pa sa Kanya anuman ang ipapahintulot Niyang mangyari during this period of time.

2. Ang lahat din ay pinaghahanda Niya na gawing seryoso ang pag-iipon ng kayamanan sa langit , sapagkat titingkad pa ang pang-aagaw ng kaaway (sa iba't-ibang paraan) sa anumang ipinagkatiwala Niya sa'tin.

3.  Ang lahat ay pinaghahanda Niya, sapagkat papalapit na ng papalapit ang matinding taggutom sa mundo na sinabi ni Jesus sa Matt. 24:7 at inihula sa Rev. 6:5-6 .

To view my article about The Coming Food Crisis, please click HERE

Sa mga magtatanong, paano ako makakapaghanda para hindi ako magutom at para ako maligtas sa mga Huling Araw na ito? Sa lahat ng naniniwala at umiibig sa Panginoong Jesus, makinig kayong mabuti.


 

Our  V I S I O N

" Where there is no vision, [ revelation ] the people perish... "

Proverbs 29:18

 

To Feed Like Joseph the Dreamer

Nung  1997,  naging  Pastor ako ng aming church, The Church Of Jesus The Sovereign Lord . Nung 1997 din, binigyan  ako ng vision ng Panginoon na gagawin Niyang " Joseph The Dreamer " in the last days ang aming church. Simula nuon, wala kaming bukambibig kundi  ... "Tayo ang Joseph the Dreamer in the Last Days!" Kahit ang liit-liit namin, kahit dumadaan kami sa mga  storms, sa mga pagsubok sa ministry, sa aming buhay, lagi pa rin naming sinasabi, "Joseph the Dreamer tayo! .... 'Di ba Joseph the Dreamer tayo? " For many years palagi namin itong  dine-declare pero, yung feeding (katulad ng ginawa ni Joseph)  hindi namin natutukan.   Marami rin kaming outreaches.  Nag-bibigay din  kami ng mga groceries, medicines, clothes, shoes,  toilettries, school supplies, monetary assistance   at iba pa, pero ang Feeding Ministry, hindi namin  nabigyan ng malaking pansin. The bulk of our resources went to spreading the  Gospel  (Radio, TV, Documentaries) . Pina-realize sa'kin ng Panginoon na wala namang  masama rito, pero hindi puwedeng panay Salita  lang ang ibabahagi lalo na sa mga kumakalam ang  sikmura.  Mas madaling ipakilala si Jesus kung maipaparamdam ang salita sa gawa. View our Old Photos HERE

God's Urgent Call to Feed

Last year, 2010, nung napanood ko yung mga victims ng earthquake sa Haiti, nangusap ulit sa puso ko ang Panginoon. Bigla Niya akong pinagmadali para kami ay makapag-feeding kaagad. That time hindi pa Niya pinapaalala ang tungkol sa vision na ibinigay Niya sa'kin nung 1997. Basta ang sabi Niya lang, kailangan kong umpisahan kaagad ang Feeding Ministry. That time, marami rin kaming pangangailangan sa ministry;  pero kapag narinig ko na ang tinig ng Panginoon, hindi ko  ito kayang ignorin. Kaya kahit wala pang enough funds,  sinabi ko sa aking mga anak  na "By all means, kailangan itong  maumpisahan kaagad. Gamitin natin kung ano ang meron tayo gaano man ito  kaliit ." (Applying  the  Parable  of  the  Talents )

God's Instruction: Use What You Have

"But my God shall supply all your need according to his riches in glory by Christ Jesus."
Philippians 4:19


Yung sumunod na araw, nag-umpisa na silang magplan kung sinu-sino ang mamamalengke, magluluto, taga-clean and  wash ng mga gagamitin, taga-hain at magbibigay ng mga tracks.

View more photos HERE

Sa maliit na budget na meron kami, nag-try na kaming bumili ng extra stove,  ng mas malaking kaldero, medyo malaki-laking rice-cooker, mga plates, bowls, at  iba  pa

The Lord's Table: Food for Everyone!

Hindi natapos ang week na 'yon naumpisahan namin ang tinawag naming "The  Lord's  Table  Feeding  Ministry." Sa  aming church kami nagpakain kase gusto naming  ma-establish yung pagpapakain sa mismong community muna namin. Gusto naming makilala ang bagong feeding ministry na ito na naglilingkod sa sinumang nagugutom at walang pambili ng pagkain.                  

Reading Materials and Clothes

Kapag feeding day puwede silang makakain ng libre at makatanggap ng babasahin na makakapagpalapit sa kanila sa Diyos.  Namimigay din kami ng mga damit na naiipon namin.

 

First Feeding: Soup Kitchen

Yung unang  feeding namin, since maliit nga lang ang aming budget, ang na-serve lang namin ay "Macaroni-Chicken-Vegetable Soup." Ang nakakain ay 110. Pero, mayroong mga bata na umuulit for another serving at yung iba naman  nag-re-request ng take-home para sa  mahal nila sa buhay na hindi nila nakasama. Lahat naman sila ay napagbibigyan hanggang meron pang pagkain.

Soup Kitchen

View more photos HERE

A Touching  Story

Naalala ko lang ang isang kuwento na nakadurog sa aking puso. Mayroong isang bata na habang kumakain, biglang  napansin yung isang chunk ng chicken sa soup. Pagkakita niya nito, sabay tawag sa kapatid niya, at yung hintuturo  niya ay naka-point  sa isang pirasong chicken.  Sabay  bulalas  na... "Ate  chicken ! "  na parang ginto ang natagpuan. Nung nalaman ko ito, nasabi ko mula sa puso ko na ... "Magpapakain kami ng magpapakain ng chicken!" Kaya, naglambing ako sa Panginoon na i-provide Niya yung kakailanganin namin kase ang desire ng heart ko, ang  isusunod na ipapakain namin ay buong meal na.  

The Lord's Provision

Yung second feeding namin nakapagpakain kami ng rice with chicken and egg adobo.  Ang nakakain this time ay 180 .  Praise God!



View more photos HERE


Sa  ika-3rd  feeding,  ang desire namin ay beef naman sana ang ipakain. Kahit piccadillo lang. Kaya lang, ang halaga ng beef halos doble ng chicken. Kaya bumalik ulit kami sa chicken. This time naman, ang hinain namin ay rice with delicious and creamy  'Pininyahang  Manok'  na na-enjoy naman ng lahat.  Ang nakakain ay 140.


 

Our Commitment : To Feed Clean and Nutritious Food

Ang totoo,  kapag kami ay nagpapakain o namimigay ng mga groceries palagi kong pinapaalala na dapat ito ay malinis at nutritious. Hindi rin nawawala sa heart ko na sana palagi kaming makapaghain ng fresh fruits or fresh salads na hindi pa natitikman ng marami. Hindi rin nawawala sa heart ko na kahit small portions lang at kahit paminsan-minsan lang matikman din ng mahihirap ang mga masasarap na kinakain ng mayayaman. Ito po ang madalas magpatulo ng luha ko kapag naglalambing ako sa Panginoon. Natatandaan ko,  kahit the first time   na namigay kami ng food (Christmas season), sa isang parang bilao, naglagay kami ng konting slice ng ham, konting castanas (chestnut), konting ubas, apple at oranges. Kaya every time na magpo-provide ang Panginoon, hindi nawawala sa listahan namin ang mga fruits na gusto naming ipamigay. Ang gusto namin hindi lang basta makapagpakain kundi makapag-nourish, makapagpa-refresh na kasama ang mga puso namin.




Loving Your Neighbor as Yourself

"So in everything, do to others what you would have them do to you..."
Mark 7:12

 

Mini-Grocery for those in Need

Nag-desire din kaming maglagay ng parang mini-grocery para sa mga nangangailangan. Nagbibigay kami ng coupons na may specific amount. Ang amount na nandito ang value na puwede nilang ipambili sa grocery.

 

  Bukod sa mga groceries, puwede rin nilang gamitin yung amount sa coupons kung gusto nila ng damit o sapatos o anumang available na nasa store.

 

Naalala ko nuong first time kami nag-grocery para dito, sobrang akong excited na mabili kung puwede lahat ng kailangan ng lahat ng nangangailangan (kahit sabon, simpleng gamot sa lagnat, etc.) Nakakahiya mang sabihin pero kahit sa biscuit lang o kahit yung sa simpleng craving lang paminsan-minsan sa sitsirya like Doritos and Lays na kinakain ng mayayaman gusto ko rin ipatikim sa kanila. (Gusto ko lang klaruhin na hindi ko talaga nire-recommend na palaging kumain ng tinatawag na junk food.)

Ang desire na ito ay hindi nawala sa puso ko. Ang prayer ko ay one day, ang "Mini-Grocery" na ito ay maging "Malaking Supermarket" para sa mga mahihirap. Naniniwala ako na walang imposible sa Panginoon.

 

View more photos HERE

Pizza and Spaghetti For Carpark Boys and the Blind in Greenhills

There was a time, naawa kami sa mga bulag na nagma-massage at mga bata na nagbabantay ng mga naka-park na mga sasakyan sa Greenhills Shopping Center. Kaya, humingi kami ng permit para ma-gather sila sa labas ng Greenhills Theater. Pagkatapos naming i-share ang love ni Jesus, pina-merienda namin sila ng pizza and spaghetti .

 

View more photos HERE

Bakit special na pagkain ang aming inihain? Gusto lang po ba namin magyabang? Hindi po. Malalim lang itong desire na maipatikim rin namin kahit paminsan-minsan lang ang mga nae-enjoy din namin. Because of  God's grace, ito ay effortless o  natural lang na dumadaloy sa'ming mga puso. Sa lahat ng aming ginagawa o ino-offer sa Panginoon, palagi kong pinapaalala sa aking mga kasama na dapat mithiin namin na palaging  "THE  BEST" ang maihahandog namin sa Kanya.

 

Malalim ang aming desire na maipatikim rin kahit paminsan-minsan lang ang mga nae-enjoy din naming kainin.

  Kaya, hindi rin nawawala sa isip namin every time kami nagpapakain na ang aming  (parang) pinapakain ay ang Panginoon mismo.

Jesus  said, " ... Come, you blessed of My Father, inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world: for I was hungry and  you gave me food; I was thirsty and you gave Me drink; I was a stranger and you took me in;  ..."

Matt.25:34-35



 

 
 

 

"Commit your way to the Lord, trust also in Him, and He shall bring it to pass … Rest in the Lord, and wait patiently for Him.”
Psalm 37:4,7

 

  Sa  bawat hinahain kong gawain sa Panginoon gusto ko palagi itong nag-go-grow. (John 15) Kaya sa bawat feeding  namin, ang  gusto ko talaga, parami-ng-parami ang aming napapakain. Kaya,  nung nakita ko na mas kumonte yung  napakain nung last feeding  namin nung November 6, last year, sobra  akong nalungkot. Hindi na ako mapalagay. Simula nuon hindi na'ko huminto sa pagpe-pray. Palagi kong tinatanong   ang  Lord  kung saang lugar Niya kami gusto magpakain sa susunod kase, ayaw kong ako ang pumili.

 

 

What The Enemy Meant for Harm, God Meant it for Good

“But whoever listens to me will dwell safely and will be secure, without fear of evil.”

Proverbs 1:33

 
Narito  po  ako  sa  stage  na ito  ng  pananalangin  nung  mayroong  nangyari  sa aming  pamilya  na   nag-lead sa lugar   na gusto ng Panginoon. Ito rin ang nag-lead sa unveiling nung  "1997 Joseph the Dreamer Vision" namin. Sine-share  ko  ito  sa  inyo  sapagkat  kayong  lahat  na  nakakabasa  nito ay  ini-uugnay  ng  Panginoon  sa Vision na ito.  Wala po kasing aksidente o coincidence  sa Panginoon.

 

Carjacking Experience

Katulad  ni  Joseph,  na pinagtangkaan  ang  buhay,  mayroon  ding  in-allow  ang  Panginoon  na isang  pangyayari sa  pamilya  ng  aking  kapatid (Nov. 4, 2010)  na  naging  laman  ng  lahat  ng  News  sa  TV  at  Radio for how many days. Nabiktima  sila ng carjacking nung sinundo nila  sa airport ang kanilang bunsong anak na galing  sa America. Habang  kasama  nila  ang  mga  carjackers,  nakatutok  daw sa ulo nila ang mga armalites.

 

  Video: Courtesy of GMA News

Later on, pinababa silang mag-asawa at pinalipat sa ibang sasakyan. Ang kanila namang anak ay naiwan sa sasakyan nilang Montero na kasama ng iba pang carjackers. Pagkalipas ng ilang oras, binaba ang mag-asawa sa  isang "Talahiban" sa Paranaque. Ang sabi ng sister ko, naisip niya that time, pagkababa nila, babarilin sila. Pero, dahil sa amazing grace of God, hindi ito nangyari.  Pagkaalis nung mga carjackers, kahit hindi sila binaril, natural lang na mag-alala sila sa tinangay  nilang bunsong anak.   Kaya, ang kuwento ng sister ko, lumuhod daw siya duon sa may "Talahiban" at sumigaw ng "Lord sinu-surrender ko na sa Iyo ang lahat! Thy will be done!" Pagkasabi daw niya nito, nagtaka siya kase  kahit naiisip niya yung posibling masamang bagay na mangyayari sa anak niya, ang puso daw niya ay payapang-payapa. Kinu-consider niya na ito ay isang miracle na na-experience  niya. Ang sabi niya kung hindi niya naramdaman yung  peace that passeth all understanding, malamang daw pumalya na ang puso niya. Na-realize ko rin na ang isa sa nag-bibigay ng peace ay ang ating total, ... complete, surrender sa Panginoon.   Again, by the awesome grace of God, walang nangyaring masama sa kanilang bunsong anak. Praise God! Nalaman namin later on na kaya lang pala siya isinama ay para gawin siyang shield, o parang  hostage just in case magkaroon ng sagupaan sa mga awtoridad. Pero, hindi na ito pinahintulutan ng  Panginoon sapagkat ang mga anak Niya na humihingi ng saklolo at nagsu-surrender ng lahat sa Kanya ay makakaasang hindi Niya pababayaan kailanman. In fact, ilang araw lang ang nakaraan, nahuli rin kaagad ang mga carjackers at hindi rin natapos ang taon, pinalitan ng Panginoon ng mas mainam na sasakyan yung nawala sa kanila.

 

How God Chose the Place Where We will Launch The Feeding Mission

”A man’s heart plans his way, but the Lord directs his steps.”

Proverbs 16:9

Nung November 7, 2010 , three days after the carjacking incident; nagpatotoo ang aking sister sa aming church. Ang lahat ay na-bless sa protection at sa faithfulness ng Panginoon. Kinagabihan, sobra pa rin akong masaya sa patotoo ng aking kapatid. Pero, bago ako matulog, hindi pa rin mawala sa  isip ko yung inaantay kong sagot mula sa Panginoon kung saang lugar Niya kami gustong magpakain.

  Ang totoo, alam ng Panginoon na ayaw ko ng basta pakain lang kami ng pakain. Ang nasa puso ko ay magkaroon ng concrete plan and goal. Ibig kong sabihin, kapag ito ay ino-offer sa Panginoon, ang minimithi ko palagi, lahat ng aking inumpisahan ay hindi mawawala. Ito ay magco-continue pa rin hanggang sa susunod na generation kahit ako ay  uugod-ugod na.

Kaya, that night, ang sabi ko sa Panginoon ...  "Lord help us. Parang ang feeling ko I will die kung hindi Mo ako tutulungang makapagpakain ng marami. Gusto ko talaga this time maraming-marami. " Habang nasa mind ko ito, hindi  ko pa naiisip yung tungkol sa  '1997  Vision ' ko. Basta ang alam ko lang umaapoy ang heart ko na magpakain ng magpakain.

In fact ang hiningi ko sa Panginoon ay makapagtayo ng  pinakamalaking  'Feeding Center'  sa ating bansa - Luzon, Visayas, and Mindanao; para marami ang matulungan. Malaki ang hinihingi ko kasi alam ko na napakalaki ng Diyos at gusto Niya rin na malaki ang nagagawa natin para mas makita ang Glory Niya. Hindi ko po alam kung paano at kailan ito mangyayari. Basta ang alam ko lang hindi masama ang mangarap at magmithi na ma-ipadama ang umaapoy na pag-ibig ng Diyos lalo na sa mundong nauupos.

Hindi rin masama ang mag-try ng mag-try at maging willing dumaan sa maraming sacrifices, maraming hard work , matunton lang ang nakakapagpasaya sa Diyos. Ang maganda, hindi natapos ang gabing iyon  (Nov.7, 2010), hindi ako natiis ng Panginoon kaya sinabi Niya kung saan Niya gustong gawin yung susunod naming feeding. Praise God!

Lumundag po talaga ang puso ko kase alam na alam ko na hindi ordinary place yung tinuro Niya. Napakarami kasing  depressed area na puwede naming mapili; pero napakaliwanag nuong sinabi Niya na mag-feed kami duon sa lugar (Creekside) nung babaeng nag-magandang-loob at nagpahiram sa sister ko ng cellphone pagkatapos silang ibaba ng mga carjackers.

Kinabukasan, Nov. 8, hindi mawala sa isip ko yung 'Talahiban' na iniyakan ng sister ko. Para sa'kin mahalaga at  anointed ang lugar na iyon sapagkat duon kinatagpo at dininig ng Panginoon ang iyak ng aking kapatid na ingatan ang  kanyang bunsong anak. Naisip ko kung kinatagpo ng Panginoon ang aking kapatid duon, mayroong gustong gawin ang  Panginoon sa lugar na iyon. Kung naging mabuti ang Diyos sa pamilya ng aking kapatid duon, gusto rin ipakita ng Panginoon sa mga tagaroon na pinili Niya ang kanilang lugar para ipamalas ang Kanyang kabutihan at pag-ibig. Kaya, bilang appreciation at pag-honor sa ginawa ng Diyos, nag-mithi rin akong magpakain sa lugar na iyon.  Ito yung 2nd place kung saan kami nag-planong mag-feed. Kaya pinapuntahan ko ang lugar para malaman namin kung mayroon ba roong mga nakatira na nangangailangan din ng assistance sa pagpapakain. Ang galing ng Panginoon sapagkat nagpadala Siya ng tao na namamahala sa mga kabahayan duon.

 

  Click HERE to view the entire gallery

 
Kaya nakapag- schedule kami ng dalawang feeding kasama ang aking mga kapatid noong Dec. 4, 2010. Actually, hindi lang kami nakapagpakain. Nakapagbigay rin kami ng ilang boxes ng mga damit, toys, Bibles, at  iba pa. Ang galing-galing talaga ng Panginoon!

 

  Click HERE to view the entire gallery


Dec 4, 2010 - Nai-launch ang Joseph Feeding Mission at nakapagpakain kami sa 2 special na lugar.

  1 . Sa community nung taong tumulong sa aking kapatid after the carjacking incident. (Creekside)

  2. Sa mismong "Talahiban" kung saan sila ibinaba ng mga carjackers (Talahiban)

 

Sa mga susunod kong ise-share makikita ninyo kung paano nag-a-arrange, nag-se-set-up ang  Panginoon ng mga bagay-bagay na Siya lang ang makakagawa.  Ito ay para maniwala tayo at para  matupad sa buhay natin (especially  ngayong  Endtime) ang mga bagay na gusto Niyang  malasap natin kung  tayo ay magkakaisa sa layunin Niya.

 

Next Page

button-whoisjoseph-gr

button-missionandvision

button-whatwedo

button-whoweare

button-statement

button-history

CMDi | Joseph Feeding Mission Outreach Foundation Inc. | 2017 All Rights Reserved.